Sinimulan na ng Philippine National Police (PNP) ang paglalagay ng CCTV cameras sa mga lugar sa Metro Manila na tinaguriang crime prone areas.
Pinangunahan ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas, PNP-OIC Deputy Director General Leonardo Espina at NCRPO Director Carmelo Valmoria ang Paglalagay ng may 16 na CCTV cameras sa Edsa Pasay.
Kabilang din dito ang mga tinatawag na taxi search areas partikular sa mga malls para matiyak ang kaligtasan ng mga pasaherong sumasakay ng taxi.
Labing anim (16) sa mga ito ay nagmula sa PNP habang ang natitirang 16 naman ay muma sa Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry at nagkakahalaga ng P650,000.
Sinabi ni Roxas na makukumpleto ang paglalagay sa iba pang crime prone areas bago matapos ang taon partikular sa University Belt, Monumento, MRT North Edsa, Edsa Aurora, Baclaran at La Salle Taft.
By Jaymark Dagala | Chris Barrientos (Patrol 21)