Panahon na upang maglagay ng mga paalala sa paligid ng mga paliparan hinggil sa mga nangyayaring insidente ng tanim-laglag bala sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon kay dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino, dapat ding maglagay ng mga CCTV cameras ang mga otoridad upang matiyak na hindi matataniman ng bala ang bagahe ng mga pasahero.
Giit pa ni Tolentino, dapat masuri na ang mga bagahe ng mga pasahero bago pa lamang pumasok ng mismong paliparan na siya umanong pinangyayarihian ng nasabing modus.
Una nang nagpaalala ang Overseas Workers Welfare Administration o OWWA sa mga uuwing OFW na mag-ingat upang hindi mabiktima ng mga kawatan na ang layunin ay gumawa ng pera.
By Jaymark Dagala | Raoul Esperas (Patrol 45)