Nakiusap si MMDA Operations Supervisor Bong Nebrija sa mga operator ng bus na kusain na ang paglalagay ng closed circuit television cameras (CCTV) sa kanilang mga bus.
Ayon kay Nebrija, ito ay upang matiyak na maayos magmaneho ang kanilang drivers, at makaiwas sa mga aksidente sa kalsada.
Maliban sa pag iwas sa mga aksidente, naniniwala si Nebrija na makatutulong din ang pagkakaroon ng CCTV para mabawasan ang holdapan sa mga bus at ang pag – atake ng iba’t ibang gang katulad ng dura gang at ipit gang.
By: Katrina Valle / Allan Francisco