Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na maglalagay sila ng mga COVID-19 vaccination sites sa lahat ng polling areas sa araw ng eleksyon.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, pwedeng magpabakuna ang mga botante sa mga itatayong vaccination sites para sa kanilang primary dose at booster shots pagkatapos nilang bumoto.
Aniya, layon nitong tiyakin na may tuloy-tuloy na proteksyon ang bawat Pilipino mula sa COVID-19.
Matatandaang una nang nagpahayag ng pagtutol ang mga opisyal ng Commission on Elections na pagsabayin ang pagboto at pagbabakuna dahil posible itong magdulot ng kalituhan sa publiko