Pinag-aaralan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdedeklara ng curfew sa anim na lalawigan sa Mindanao na naglalayong maprotektahan ang mga sibilyan kasunod ng idineklarang martial law doon.
Sinabi ni Pangulong Duterte na kabilang sa mga lugar na nais niyang magkaroon ng curfew ay ang Lanao Del Sur, Lanao Del norte, Maguindanao, Sultan Kudarat, North Cotabato at Zamboanga.
Idinagdag pa ng Presidente na ipalalabas nito ang kautusan pagkatapos nitong pulungin ang gabinete.
Sakaling maipatupad ang curfew, babantayan ang galaw ng mamamayan lalo na sa gabi at maiwasan ang posibleng pagkaroon ng krimen.
Karaniwang saklaw ng curfew ay mga kabataan at menor de edad na pakalat-kalat sa kalye kahit disoras na ng gabi.
By Meann Tanbio