Target ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na masimulan na ang paglalagay ng elevated busway sa ilang bahagi ng EDSA sa Enero 2021.
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, ito ang nakikita nilang mid-term solution para maibsan ang epekto ng pagsasara ng U-turn slots sa kahabaan ng EDSA.
Ani garcia nangako na si Quezon City Mayor Joy Belmonte na susubukang hanapan ng pondo ang pagtatayo ng nasabing proyekto.
Posibleng umabot ng tatlo hanggang apat na buwan ang pagbuo ng elevated busway dahil metal ramp lang umano ang gagamitin para dito.