Pinag-aaralan na ng MMDA o Metropolitan Manila Development Authority ang paglalagay ng elevated u-turn slot sa bahagi ng Tandang Sora at Commonwealth Avenue sa Quezon City.
Ito ay upang makatulong na maibsan ang inaasahang pagbigat sa daloy ng trapiko sa pagsasara ng Tandang Sora Flyover para sa konstruksyon ng MRT 7 simula alas onse ng gabi ng Pebrero 23.
Ayon kay MMDA Commander Col. Bong Nebrija, pansamantala muna silang maglalagay ng dalawang u-turn slots sa bahagi ng Commonwealth Avenue na maaaring daanan ng mga magtutungo o galing Tandang Sora at Katipunan.
Sakaling maaprubahan ang palalagay ng elevated u-turn slot matatapos ito sa loob ng tatlong buwan.
“Para po walang mapeperwisyo na ibang namotorista na dire-diretso lang. Siyempre pag natgtayo kayo niyan we need a budget for that is included in the budget itself, but we are hopeful that the contractor, the proponent would consider this.” Pahayag ni Col. Nebrija.