Nakatakdang maglagay ng fast lane ang Pilipinas at China para sa mga mamamayan nitong maglalabas masok sa dalawang nabanggit na bansa.
Ito ang isa sa mga tinalakay nila Foreign Affairs Sec. Teddy Boy Locsin at Chinese Foreign Minister Wang Yi sa harap na rin ng sigalot sa pagitan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.
Inaasahang uuwi na ngayong araw sa Pilipinas si Locsin matapos ang kaniyang tatlong araw na pagbisita sa China para sa kaniyang official visit.
Ayon sa DFA, mahalaga ang paglalagay ng fast lane para sa mga pilipinong tutulak patungong china lalo na sa aspeto ng pagnenegosyo, imprastraktura, logistics, production at technical services.
Magugunitang kapwa naghigpit ang Pilipinas at China sa pagpapasok ng mga dayuhan bunsod na rin ng pumutok na pandemya ng COVID-19 na nagsimula sa Wuhan City sa China.