Tatagal pa ng dalawang taon o mahigit bago malagyan ng libreng wifi connection ang mga barangay at elementary school sa bansa.
Ayon kay DICT Usec. for digital Philippines Emmanuel Rey Caintic, isinasama na nila ito ngayon para sa 2022 budget ngunit tingin umano niya ay dalawang taon pa bago matapos ang paglalagay ng libreng internet sa apatnaput tatlong libong barangay at elementary school.
Magugunitang noong August 2017, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 10929 o ang free internet access in public places act.