Nababahala ang Department of National Defense sa lumabas na ulat na naglagay ng mga gamit pandigma ang China sa Spratly Islands.
Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na sakaling totoo ito, malaking pangamba ito hindi lang sa Pilipinas kundi sa lahat ng bansa sa mundo na naglalayag sa South China Sea para makipagkalakal.
Idinagdag pa ni Lorenzana na nangangahulugan din ito na pinatatauhan na ng China sa kanilang militar ang Spratlys Island, bagay na hindi na aniya maganda.
Kung matatandaan, sinabi noon ni Chinese President Xi Jinping na wala silang intensyong i-militarize ang Spraltys na inaangkin pa hanggang ngayon ng Pilipinas at ng iba pang bansa.
By: Meann Tanbio / Jonathan Andal