Pinag-aaralan na ng DOTR o Department of Transportation ang paglalagay ng harang sa mga istasyon ng MRT o Metro Rail Transit Line 3.
Kasunod ito ng pagkakaputol ng braso ng isang 24 anyos na babae sanhi ng aksideteng pagkakahulog sa pagitan ng dalawang bagon ng tren ng MRT kamakalawa.
Ayon kay Transportation Undersecretary Cesar Chavez, kanilang tinitignan kung posible pang maglagay ng tinatawag na platform screen doors bagama’t hindi angkop ang desenyo ng mga istasyon para dito.
Kasabay nito, ipinabatid din ni Chavez na matagumpay ang operasyon ng naaksidenteng biktima na si Angeline Fernando at naibalik ng mga doktor ang braso nito.
Dagdag ni Chavez, batay sa kwento ng pamilya ni Fernando, low blood ang biktima bagama’t inaalam pa ng mga doktor ang dahilan ng pagkahimatay nito.