Pinaplano na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na agad i-deposit sa mga cards ang P6.2 billion
na pondong inilabas ng Department of Budget and Management.
Para ito sa pamamahagi ng P500 ayuda sa mga pinakamahihirap na pamilya sa bansa.
Ayon kay DSWD secretary Erwin Tulfo, tatagal nang lima hanggang anim na araw ang pag-deposit ng halaga patungo sa cash cards ng mga benepisyaryo.
Ang pamamahagi ng P500 ayuda ay nasa ilalim ng targeted cash transfer program ng DSWD na unang ipinag-utos ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Tiniyak naman ni Tulfo na magiging mabilis ang pamamahagi ng halaga dahil hawak na ng mga benepisyaryo ang kanilang mga cards.