Inaasahan ni Surigao Del Sur Rep. Johnny Pimentel ang paglalagay ng PNP-Maritime Group ng mga high-speed gunboat sa paligid ng Pag-asa Island at sa Spratly Islands para mapalakas ang itinayong detachment ng pulisya sa nasabing isla.
Layunin din anya nito na maprotektahan ang maritime border ng bansa laban sa mga smuggler.
Dahil dito, ipinanawagan ni Pimentel ang pagpapakalat ng mabibilis na patrol boats upang matulungan ang Bureau of Customs – Enforcement Group Water Patrol Division sa pagharang sa mga smuggled na produkto.
Iminungkahi rin ng mambabatas ang pagtatayo ng mga ahensya ng gobyerno at bahay para sa mga mangingisda upang mapalakas ang claim ng Pilipinas sa mga Spratly’s. —sa panulat ni Hannah Oledan