Suportado ng Department of Health ang istratehiya ng ilang lokal na pamahalan na lagyan ng ‘vaccination stickers’ ang mga bahay o establisimiyento na mayroong mga indibidwal na ‘fully-vaccinated’ na laban sa COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, isa ito sa istratehiya ng mga LGU’s upang matukoy ang mga indibidwal na nabakunahan na.
Aniya, wala siyang nakikitang uri ng diskriminasyon dito.
Nauna nang nagpatupad ng nasabing hakbang ang Mandaluyong City upang palakasin ang kanilang vaccination program. — sa panulat ni Hya Ludivico