Hindi siyentipikong solusyon ang paglalagay ng palaka at isda sa mga ilat o swamps at stagnant water para mabawasan ang pagkalat ng mga kaso ng dengue sa Pilipinas.
Ito ang ipinaalala ng Department of Health(DOH), Department of the Interior ang Local Government (DILG), at Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa publiko na tanging ang vector control o pagsira sa breeding grounds ng mga lamok ang solusyon sa pagkalat ng dengue.
Nanawagan rin ang mga nasabing ahensya na patuloy na sundin ang 4 habits na search and destroy breeding places, use self-protection, seek early consultation, at support fogging or spraying lalo na tuwing tag-ulan.
Samantala, umabot na sa mahigit 65,000 kaso ng dengue ang naitala sa bansa mula January 1 hanggang July 2 kung saan halos 280 na ang nasawi dahil sa naturang sakit.