Upang matulungan ang mga naghahangad na maging ganap na doktor, nurse, pulis, guro at iba pang propesyunal na may problemang pinansyal at problema sa pagbibiyahe sa panahong ito na may pandemya.
Nanawagan si Senator Sonny Angara sa Professional Regulatory Commission (PRC) na maglagay ng satellite venues para sa licensure examinations na naka-iskedyul ngayong taon
Ayon kay Angara sa panahong ito naging malaking hamon at problema ang pagbibiyahe dahil sa mga quarantine restrictions na pinatutupad ng mga local government unit (LGU).
Marami din ang pamilya na walamg pang-gastos dahil sa nagsarang negosyo at mga nawalan ng trabaho.
Pero dahil sa ang licensure examinations ay ginagawa sa regional offices ng PRC marami ang kailangan na magbiyahe, gumastos sa transportasyon, maghanap ng matutuluyan at kailangan pang magpa-COVID-19 test.
Giit ni Angara ayaw naman natin na may mga graduate na hindi matuloy sa kanilang licensure exam dahil sa laki ng kailangan gastusin sa panahong ito.
Ito ang rason bakit iminumungkahi ni Angara sa PRC na ikunsidera ang pagtatayo ng satellite testing venues sa mga probinsya na may higit 100 examinees.
Maari naman aniyang suportahan ito ng LGU sa pamamagitan ng pagkakaloob ng venue at kinakailangang tauhan para dito.
Ang licensure exam para sa guro at doktor ay naka-iskedyul sa Setyembre para sa nurse sa Nobyembre at criminologists sa Disyembre. —ulat mula kay Cely Bueno (Patrol 19)