Plano ng Department of Justice (DOJ) na magtalaga ng senior investigating officers mula sa tanggapan ng Ombudsman sa mga iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Ayon Kay Justice Secretary Menardo Guevarra, layon nitong mapabilis ang mga isinasagawang imbestigasyon sa mga opisyal ng pamahalaan na nasasangkot sa katiwalian.
Paliwanag ng kalihim, nakatatanggap sila ng hanggang animnapung reklamo ng katiwalian sa nakalipas na dalawang linggo lamang.
Nangunguna sa listahan ng mga inirereklamong ahensya ang Bureau of Customs, Department of Transportation, Department of Health, Philippine Health Insurance Corporation at iba pa.
Ayon kay Guevarra, lumiham na sila sa mga ahensya ng pamahalaan upang humiling sa mga ito na maglagay ng anti-corruption mechanism na makikipag-ugnayan sa binuong task force ni Pangulong Duterte.