Ititigil lamang ng gobyerno ng Pilipinas ang pagtatayo ng mas maraming shelter para sa distressed Overseas Filipino Workers sa Kuwait kung mababawasan din ang bilang ng mga runaway pinoy o tumatakas mula sa kanilang mapang-abusong amo.
Ito’y ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Eduardo De Vega, kung saan, mahigit limandaang OFW ang tumutuloy ngayon sa mga shelter ng DFA habang tinaya ng embahada na isa sa 400 pinoy ang tumakas dahil sa kanilang amo na mataas kumpara sa iba pang bansa sa Middle East.
Sa kabila nito, ikinukunsidera rin anya ng DFA. at Department of Migrant Workers ang repatriation ng mahigit animnaraang OFW mula Kuwait bilang isang positibong development.
Ito ang dahilan kaya’t inaasahang bababa na ang bilang ng mga pinoy na tumutuloy sa mga shelter.
Magugunitang sinuspinde ng Kuwaiti government ang lahat ng bagong visa para sa OFWs dahil umano sa mga nilabag ng bansa na probisyon sa bilateral labor agreement ng dalawang bansa.