Pabor ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa rekomendasyon na magpatupad ng signal jamming sa mga piitan sa gitna ng umano’y drug operations sa loob ng kanilang mga pasilidad.
Ayon kay BJMP Spokesman Jail Superintendent Xavier Solda, mapipigilan ng signal jamming ang komunikasyon ng mga bilanggo sa kanilang mga contact sa labas ng piitan.
Umaasa anya sila na i-pa-prayoridad ng pamahalaan ang panukala dahil kailangan nito ng pondo.
Magugunitang inirekomenda ni Interior Secretary Benhur Abalos ang paggamit ng signal jammers upang putulin ang komunikasyon ng drug lords na umano’y nagsasagawa ng operasyon sa mga bilangguan.