Pinag-aaralan na ng Department of Trade and Industry (DTI) na lagyan ng Suggested Retail Price (SRP) ang mga bigas na inaangkat ng Pilipinas mula sa ibang bansa.
Ito’y ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez ay para mapanatili ang layunin ng kasasabatas pa lamang na rice tariffication law na nagpapahintulot sa pag-aangkat ng bigas.
Sa pamamagitan nito ani Lopez, inaasahan nilang mas marami nang rice dealers at retailers ang magbebenta ng bigas na nagkakahalaga mula 34 hanggang 37 pesos kada kilo.
Una rito, inihayag ni Agriculture Sec. William Dar na mula nang aprubahan ang rice tariffication law, may humigit kumulang dalawa’t kalahating metriko toneladang imported na bigas ang nakapasok sa bansa subalit hindi agad ibinenta sa merkado.
Magugunitang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte kay kalihim DAR na pabahain ng NFA rice ang mga palengke sa buong bansa upang pababain ang presyo ng bigas.