Ipinauubaya na ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año sa mga director at commanders ng mga PNP units ang pagpapasiya kung seselyuhan ang baril ng mga pulis ngayong kapaskuhan.
Ayon kay Año, naniniwala siyang epektibo pa rin ang paglalagay ng selyo upang maiwasan ang mga insidente ng indiscriminate firing.
Gayunman, nakasalalay na aniya sa mga directors at local commanders ang pagpapasiya hinggil dito dahil alam na aniya ng mga ito ang kanilang gagawin taon-taon.
Sinabi ni Año, maaari lamang gamitin ng mga pulis ang kanilang baril na may selyo sakaling magkaroon ng engkuwentro laban sa mga kriminal, pero hindi pa rin ito gagamitin para sa warning shots.
Noong nakaraang taon, hindi na nilagyan ng selyo ng PNP ang baril ng mga pulis.