Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na maglalagay siya ng telebisyon sa bawat selda sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.
Ito ang inihayag ni Pangulong Duterte sa kanyang kauna-unahang pagbisita sa nasabing piitan sa Bicutan, kahapon.
Bagaman binista ng punong ehekutibo ang ilang selda, hindi naman nito pinuntahan ang ilang high-profile inmate gaya ng umano’y pork barrel scam queen na si Janet lim-Napoles at Farhana Maute, ina ng Maute brothers na sina Omar at Abdullah.
Aminado si Pangulong Duterte na kuntento siya sa pangangasiwa ng Bureau of Jail Management and Penology sa Camp Bagong Diwa kaya’t kanyang ipinangako na tataasan ang muli ang sweldo ng mga pulis.