Welcome para sa isang infectious diseases expert sa mga proposal na maglagay ng mga vaccination site sa mga polling place sa May 9 elections upang mapataas ang COVID-19 vaccine at booster coverage sa bansa.
Ayon kay Dr. Edsel Salvana, miyembro ng DOH – Technical Advisory Group, mas konbinyente kung mababakunahan malapit sa mga polling precinct ang mga botante, partikular ang mga wala pang primary dose.
Ito’y upang mabawasan anya ang peligrong hatid ng COVID-19 lalo’t inaasahang daragsain ng mahigit 65M botante ang iba’t ibang paaralan na pagdarausan ng eleksyon.
Sa ngayon ay nasa 67.9M individuals o 75.45% na ng target population ang fully vaccinated laban sa COVID-19 habang 13.2M ang naturukan na ng booster.
Una nang inihayag ng Commission on Elections na ang mga botanteng COVID-19 positive o makikitaan ng mga sintomas ay papayagan pa ring makaboto pero sa mga isolation polling places.