Posibleng mabalewala lamang ang ginagawang hakbang ng pamahalaan upang pagandahin ang Manila bay sa pamamagitan ng paglalgay ng white sand dito.
Ayon sa geologist mula sa University of the Philippines na si Prof. Mahar Lagmay, wala sa katangian ng Manila Bay ang magkaroon ng white sand dahil itim o gray naman talaga ang buhangi nito.
Tiyak na sa basurahan lamang aniya mapupunta ang perang ibinuhos dito dahil posibleng mapunta lamang sa ilalim ng Manila Bay ang mga inilagay na puting buhangin dito kapag nagsunud-sunod ang pagtama ng bagyo o iba pang kalamidad.
Sa halip aniyang itapon ng gubyerno ang perang inilaan para sa nasabing proyekto, makabubuting gamitin na lamang ito ani lagmay sa iba pang paraan tulad ng pagsasaayos sa sewerage system ng Metro Manila na siyang pangunahing salarin sa pagdumi ng Manila Bay.