Isinusulong sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang paglalagay ng x-ray machines sa lahat ng pantalan sa bansa.
Kasunod ito ng umano’y nakalusot na 6.8 bilyong pisong halaga ng iligal na droga sa bansa.
Ayon kay Negros Oriental 3rd District Representative Arnulfo Teves, agad namang mababawi ng pamahalaan ang gagastusin nito sa pagpapalagay ng mga x-ray machines dahil nakakapagbigay naman ng 140 billion pesos na income ang Bureau of Customs.
Dahil din sa kontrobersiya ng mga nakakalusot na kontrabando sa Bureau of Customs, iminungkahi ni Teves na maglagay ang ahensya ng third party na may oversight function para anumang oras ay nakabukas dito ang mga kontrabando.
—-