Inihayag ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na hindi kailangang isailalim sa alert level 4 ang National Capital Region.
Paliwanag ni Concepcion, ang unang quarter ng taon ay matatawag na weak at slow quarter dahil naubos na ang pera ng tao sa nagdaang pasko at bagong taon.
Ibig sabihin, aniya, kahit na hindi ilagay sa alert level 3 ang NCR ay kakaunti lamang ang magiging galaw ng tao.
Dagdag pa nito ang nararanasang covid-19 surge kaya’t walang dahilan para ilagay sa alert level 4 ang NCR.
Hindi na rin daw kasi kakayanin ng mga private sector lalo na ang mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSMES) sakaling magpatupad pa ng lockdown.
Pero matatandaang inihayag ni Health Secretary Francisco Duque III na sinisilip ng inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF) na itaas pa ang umiiral na alert level system bunsod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng covid-19. –Sa panulat ni Abie Aliño