Nakikipag-ugnayan na ang Philippine National Police (PNP) sa Department of Justice (DOJ) para ilagay sa immigration watch list ang mga suspek sa pagkamatay ng mag-aaral na si John Matthew Salilig.
Ayon kay PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., makatutulong ang Immigration lookout bulletin order para maalerto ang mga opisyal ng Bureau of Immigration na ipaalam sa mga awtoridad kung ang mga nasa listahan ay nagtatangkang umalis ng bansa.
Noong Pebrero 28 nang matagpuang patay sa Imus, Cavite si Salilig, mahigit isang linggo nang huli siyang makitang buhay.
Nasa kustodiya naman ng pulisya ang pito sa 15 suspek na sangkot sa pagkamatay ni Salilig.