Dapat bilisan ng administrasyong Aquino ang paglalatag ng mga hakbang upang maiwasan ang malaking epekto sa agrikultura ng matinding El Niño phenomenon sa susunod na taon.
Ayon kay Philippine Confederation of Grains Associations President Herculano “Joji” Co, dapat tutukan ng gobyerno ang mga Irrigation Project.
Ipinaliwanag ni Co na ang irigasyon ay isang “crucial element” para sa rice culture upang makamit din ang food security lalo sa susunod na taon.
Bukod dito, dapat din anyang matiyak kung saan napunta ang inilaang P13 billion-peso budget ng National Irrigation Administration at kung hiwalay ito sa P10 billion pesos na inanunsyo ni Agriculture Secretary Proceso Alcala na gagamitin para sa irigasyon.
By Drew Nacino