Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga tropa ng pamahalaan na maglatag ng mobile checkpoints upang maiwasan ang pag-atake ng mga sniper.
Sa isang event na kanyang dinaluhan sa Davao City, binigyang diin ng Pangulo na madalas ay nagiging target ng mga kalaban ang mga sundalong nagbabantay sa mga detachment.
Mahalaga aniya ang pagkakaroon ng checkpoint na may kasamang tangke o kaya’y may bitbit na machine gun ang mga sundalo o pulis upang hindi mabiktima ng mga sniper na nagtatago lamang sa mga malalayong gusali.
Magugunitang tumagal ng ilang buwan ang bakbakan sa Marawi City noong isang taon dahil sa dami ng mga sniper ng mga terorista na nakakalat sa lungsod.