Ipinag-utos ni National Telecommunications Communications (NTC) Commissioner Gamaliel Cordoba sa lahat ng regional directors o RDs ng ahensya na tiyaking mailalatag ang mga public assistance operations ngayong Semana Santa.
Sa memorandum ni Cordoba na may petsang Abril 11, nakasaad na bilang serbisyo publiko sa paggunita ng kuwaresma, inatasan ang lahat ng RDs na makipag-ugnayan sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Local Disaster Risk Reduction and Management Councils (LDRRMCS), Civic Action Groups (CAGs) at Amateur Radio Groups (ARGs) na nagbibigay ng Holy Week 2022 public assistance operations sa kani-kanilang nasasakupang lugar at tulungan din ang LGUs at ang mga nasabing ahensya.
Maliban dito, binanggit sa memo na dapat ding tukuyin ng mga RDs ang anumang assistance na maibibigay ng NTC, gaya ng pag-iisyu ng temporary permits at licenses na kailangan upang matiyak ang kaligtasan ng mga biyahero sa iba’t ibang bahagi ng bansa.