Isinusulong ngayon ni Sen. Sonny Angara ang pagkakaroon ng mas mabilis na serbisyo sa pribado at pampublikong sektor sa pamamagitan ng digitalization.
Ayon kay Angara, bagama’t bahagyang tumaas ng 27 hanggang 30% ang digital payments sa Pilipinas ay maliit pa rin ito sa inaasahang P2.5 billion payments kada buwan.
Una rito, ibinunyag ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mababa lamang ang porsiyento ng mga nagbabayad gamit ang nabanggit na sistema dahil kakaunti lamang ang mga nagbubukas na bangko habang marami ring Pinoy ang walang bank accounts.
Dahil dito, sinabi ni Angara na ito ang dahilan kung bakit inihain niya ang Senate Bill 1764 o ang “Use of Digital Payments Act of 2020” upang maranasan naman ng bawat Pilipino ang benepisyo ng cashless transactions.