Umani ng papuri sa halip na batikos sa gobyerno ang inilunsad na protesta ng youth group na Kabataan atin ito sa Pagasa island na bahagi ng pinag-aagawang Spratly Islands.
Ito’y kahit muling nagalit ang China sa nasabing hakbang mga Pilipino.
Ayon kay AFP Spokesman, Col. Restituto Padilla, saludo sila pagiging makabayan ng grupo hinggil sa usapin sa West Philippine Sea.
Gayunman, dapat anyang tinutukan ng kabataan atin ito ang mas alternatibong hakbang o produktibong aktibidad na may positibong epekto sa ipinaglalabang teritoryo ng pilipinas sa Spratly Islands.
Tinatayang 50 kabataan na nagmula sa iba’t ibang lalawigan ang naglayag patungong Pagasa island sa pangugnuna ni Dating Philippine Marine Capt. Nicanor Faeldon.
By: Drew Nacino