Nagpahayag ng pangamba ang Department of Foreign Affairs na maka apekto sa magiging desisyon ng Arbitral Tribunal ang pagtungo sa West Philippine sea ng mga kabataang Pilipino para iprotesta ang ginagawang reclamation ng China.
Ayon kay Assistant Secretary Charles Jose, Spokesman ng DFA, nakamonitor ang mga kaganapan ang arbitral tribunal sa West Philippine Sea kayat bagamat nakapuntos na rito ang Pilipinas, ay baka mag iba pa ang kanilang desisyon.
Nagpahayag ng pagasa si Jose na mas mapapaaga pa sa sinasabing unang linggo ng Enero ang pagpapalabas ng desisyon ng arbitral tribunal.
“Sinasabi natin na China ang nagiging sanhi ng tensyon kasi kung anu-ano ang mga gawain na ginagawa nila, ngayon kung tayo rin pala ay may ginagawa dahil sa pagpapadala ng mga tao doon,
baka sabihin ng Korte kayo rin pala ay may ginagawa na akyson para tumaas ang tensyon,” paliwanag ni Jose.
By: Len Aguirre I Ratsada Balita