Itinuloy ng isang youth group sa pangunguna ni retired Marine Captain Nicanor Faeldon ang kanilang paglalayag patungong West Philippine Sea.
Ito’y sa kabila ng babala at pagtutol ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at local government ng Palawan.
Plano ng grupong “Kalayaan Atin Ito” na marating ang PAGASA Island upang i-protesta reclamation activities ng China.
Ayon sa AFP-Western Command, naharang ng Philippine Navy ang grupo subalit nagpumilit sina Faeldon kaya’t pinayagan din ang mga ito na makapaglayag.
Gayunman, mahaharap sa asunto ang may-ari ng vessel na naghatid kina Faeldon sa mga pinag-aagawang isla.
By Drew Nacino