Mataas ang tiyansa na maging maulap ang kalangitan na may mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa bahagi ng Luzon partikular na sa bahagi ng Quezon Province, malaking bahagi ng Bicol Region at silangang bahagi ng Luzon.
Asahan naman ang maaliwalas na panahon sa natitirang bahagi ng Luzon partikular na sa Metro Manila at kanlurang bahagi nito maliban nalamang sa mga isolated rain showers o pulu-pulong mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.
Malaki parin ang tiyansa na magiging maulap ang kalangitan sa Visayas at Mindanao na may mga pag-ulan dahil sa paglapit ng Low Pressure Area (LPA).
Dahil diyan, makakaranas ng pag-ulan ang bahagi ng Samar, Leyte, Biliran, Siquijor, Bohol, Cebu, Guimaras, Negros Island at Panay Island.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 23°C hanggang 33 °C habang sisikat naman ang haring araw mamayang 5:49 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:08 ng hapon. —sa panulat ni Angelica Doctolero