Nangangamba ang ilang mga senador na maging banta sa seguridad ng bansa ang pagpasok ng bagong third telco na Dito Telecommunity.
Ito’y dahil sa pagkakaugnay nito sa China telecom na una nang ipinatigil ang operasyon sa Amerika dahil sa usaping pangseguridad.
Ang China telecom ang sinasabing nasa likod ng Dito Telecommunity na nakasungkit ng kontrata sa pagiging ikatlong telco sa bansa.
Ayon kay Sen. Kiko Pangilinan, nakadududa aniya ang pagtatyo ng Dito Telco ng kanilang pasilidad sa mga kampo militar dahil sa posibleng pagkuha nito ng mahahalagang impormasyon .
Magugunitang kinastigo ni Sen. Grace Poe sa nakalipas na pagdnig ng senado ang Department of Information and Communications Technology (DICT) dahil sa kabiguan ng dito na tuparin ang pangako nitong magandang serbisyo dahil sa kakapusan sa pondo.
Una nang ibinabala ni Sen. Riza Hontiveros na posibleng kanselahin ng pamahalaan ang iginawad na certificate of public convenience and necessity para sa Dito Telco sa sandaling hindi ito makapag-operate ngayong taong ito.