Ibinabala ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang posibleng paglawak pa ng mga maaapektuhan ng El Niño phenomenon sa buwang ito.
Ipinabatid ni PAGASA Climatologist Rusy Abastillas na nasa below normal na ang mararanasang pag-ulan ngayong buwan.
At dahil sa pagpasok ng dry season ay mas titindi pa aniya ang mararamdamang init.
Sa nakalipas na buwan ay 23 lalawigan na ang nakaranas ng matinding tagtuyot at kabilang dito ang Zamboanga, Bukidnon, Saranggani, Sultan Kudarat, Basilan, Maguindanao, Sulu at Tawi Tawi.
Ngayong buwan naman ay nakakaranas ng tagtuyot ang Negros Oriental, Siquijor at Palawan.
State of calamity
Idineklara na ang state of calamity sa 4 na probinsya sa Region 2 dahil sa El Niño.
Kabilang dito ang Sultan Kudarat, South Cotabato, Saranggani at North Cotabato.
Ipinabatid ni Zaldy Boloron, Regional Technical Director for Operation ng Department of Agriculture-Region 12 na nasa P1.4 billion pesos na ang danyos ng matinding tagtuyot sa kanilang rehiyon.
Kabilang dito aniya ang livestock, halos 12,000 ektarya ng palayan, mahigit 28,000 ektarya ng maisan samantalang kalahating milyong piso na ang danyos sa mga pangisdaan.
By Judith Larino