Nagpahayag ng pangamba ang South Korea sa patuloy sa paglawak ang nuclear capability ng North Korea.
Ayon sa Sokor, dapat ng ika-alarma ng mundo ang sunud-sunod na nuclear test ng Nokor sa kabila ng ipinataw na sanctions ng United Nations.
Inihayag ni South Korean foreign minister Yun Byung-Se na mas nakababahala ang isinagawang nuclear test ng North nito lamang Biyernes na pinaka-malakas na naitala.
Nagdulot ng Magnitude 5.3 na pagyanig ang pagsabog mula sa pinakawalang nuclear missile ng Nokor.
Dapat anyang pumasok na sa usapin ang China na pinaka-malapit na ka-alyado ng North Korea at higit sa lahat ay magpatupad ng mas matinding aksyon ang U.N.
By: Drew Nacino