Minaliit ng Malacañang ang pahayag ng Communist Party of the Philippines- New Peoples Army (CPP-NPA) na pinalawak nila ang kanilang impluwensiya sa Mindanao.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma na walang katotohanan ang propaganda ng mga rebeldeng komunista na pagpapalawak sa kanilang puwersa sa Mindanao.
Batay sa report ng cabinet cluster , bumaba ang bilang ng kanilang puwersa pati na ang kanilang guerilla front.
Kitang kita na aniya ang paghina ng puwersa ng NPA dahil sa kanilang panlilinlang dahil wala na ang kanilang prinsipyong ipinaglaban .
Puro aniya extortion activities at revolutionary taxation ang pinagkakaabalahan ng mga rebelde at hindi ang unang sinasabi na para sa mahihirap na mamamayan.
By: Aileen Taliping (patrol 23)