Hindi umano inaasahan ng kampo ni dating Senador Jinggoy Estrada na mapagbibigyan ang kanilang motion for bail sa Sandiganbayan.
Sa ekslusibong panayam kay Atty. Alexis Abastillas-Suarez sa programan Balitang 882, sinabi ng ni Atty Suarez na di nila inaasahan na mapapagbibigyan sila sa kanilang motion for bail para pansamantalang makalaya si dating Senador Jinggoy Estrada.
Sinabi rin ni Suarez na kanilang ginamit sa nasabing motion ang naging desisyon ng Korte Suprema sa pagpapalaya kay dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo.
Ayon din kay Suarez na naging madamdamin ang paghihiwalay nina dating Senador Bong Revilla at Jinggoy Estrada sa PNP Custodial Center, ngunit natutuwa na rin umano si Revilla sa nakamit ni Estrada dahil kahit papaano umano ay nakikitaan na rin nya ito ng pag asa.
Sinisiguro pa rin ng abogado ni Revilla na patuloy pa ring haharap sa mga pagdinig si dating Estrada sa kinakaharap na kasong Plunder na nauugnay sa umano’y maanomalyang Pork Barrel o PDAF Scam.