Itinuturing bilang magandang balita ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang naging pagtaya ng Philippine Amusement and Gaming Corporations (Pagcor) sa industriya ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Ito ay matapos sabihin ng Pagcor na umaalis na sa bansa ang mga POGO dahil sa isyu ng buwis.
Ayon kay Drilon, hindi na dapat habulin ng pagcor ang mga umalis na POGO dahil hindi naman aniya kawalan ang mga ito sa bansa.
Iginiit ng senador, makabubuti rin kung itigil na ng Pagcor ang panliligaw sa POGO para bumalik o manatili sa bansa ang mga ito.
Hinimok din ni drilon ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na agad magpalabas ng closure order sa mga delinquent na POGO at obligahing bayaran ang P50-B ng buwis na hindi pa nito nababayaran.