Pahirapan nang ilikas ang mga evacuees sa Severodonetsk, isang siyudad sa Ukraine dahil sa mga tulay ng pinasabog ng Russian forces.
Ayon kay Serhiy Haidai, Local Governor sa lugar, hindi na nila mai-deliver ang mga suplay ng pagkain sa Severodonetsk dahil wala nang madadaanan papasok sa lugar.
Sa nakalipas na linggo, ang pagkontrol sa buong Severodonetsk ang pinaka-unang layunin ng Russia.
Dahil dito, tinatayang nasa 70% na ng siyudad ang nasa ilalim ng kontrol ng Russia.