Patuloy ang evacuation sa daan-daang sibilyan at rebelde mula sa eastern Aleppo, Syria matapos ang deklarasyon ng ceasefire.
Karamihan sa mga sibilyan ay dinala sa rebel-controlled area sa Idlib Province, na isa sa mga natitirang balwarte ng Anti-Assad Forces.
Ayon sa International Committee of the Red Cross, simula kagabi ay mahigit 1,000 katao kabilang ang nasa 300 bata ang inilikas mula Aleppo.
Tinatayang 20 bus ang sumundo sa mga evacuee habang libu-libong iba pa ang naghihintay upang maihatid sa Idlib.
By Drew Nacino
Photo Credit: Al Jazeera