Isinusulong ni Senate Committee on Ways and Means Chairman Sonny Angara ang paglikha ng Bangon Marawi Fund.
Ayon kay Angara, ito ay isang multiyear appropriations sa mga proyekto at programa para sa rekonstruksyon at rehabilitasyon ng Marawi City.
Aniya, kukunin ang feed money nito sa 21.8 bilion calamity fund sa ilalim ng 2017 National Budget at maaari nang isama sa Proposed National Budget ng 2018.
Iginiit din ni Angara na dapat simulan na ang assessment sa halaga ng pinsalang idinulot sa imprastraktura at social economic ng kaguluhan sa Marawi City.
Unang hakbang aniya rito ay ang pagsasagawa ng post war blue print.
By Krista De Dios | With Report from Cely Bueno