Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na maaaring maka-istorbo sa Freedom of Navigation ang balak ng China na magtayo ng monitoring station sa Panatag Shoal.
Dahil dito, hinimok ng Pangulo ang China at ang mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations na lumikha ng code of conduct sa South China Sea.
Una rito, inamin din ng Pangulo na hindi mapigilan ang Tsina na magtayo ng istruktura sa mga pinag-aagawang teritoryo dahil sa kawalan ng sapat na armas ng Pilipinas.
Idinagdag din ng punong ehekutibo na maging ang Amerika anya ay bigo ring masawata ang China sa mga plano nito sa West Philippine Sea.
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By: Drew Nacino / Aileen Taliping