Matapos na mabanggit sa SONA ni Pangulong Duterte, agad na inaprubahan sa Kamara ang panukala para sa pagtatatag ng Department of Disaster Resilience o DDR.
Paliwanag ni Government Reorganization Committee Chairman Xavier Jesus Romualdo, pinagsama-sama nila ang walong hiwalay na panukala na naglalayong magtatag ng pangunahing ahensya na tututok sa disaster preparedness, prevention, mitigation, response, recovery at rehabilitation.
Bubuwagin naman ang National Disaster Risk Reduction and Management Council kung saan papalitan ito ng Department of Disaster Resilience Council na tatayong policy-maker at advisory body sa mga usapin tungkol sa disaster risk reduction and management at climate change adaptation.
Ililipat din ang tungkulin ng Office of Civil Defense at Climate Change Commission sa itatatag na kagawaran.
Ipasasailalim din sa DDR ang Bureau of Fire Protection, Health Emergency Management Bureau habang magiging attached agencies naman ng DDR ang PAGASA at PHIVOLCS.