Pinamamadali na ng Department of Trade and Industry ang paglikha sa isang Executive Order para sa support program ng Public Utility Vehicle Modernization program.
Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, kailangan ang bagong E.O. upang pondohan ang support program ng kagawaran para sa local body makers ng mga modernong P.U.V.
Bukod pa ito sa plano ng D.T.I. na i-re-allocate ang nasa 9 Billion Pesos para sa third player sa ilalim ng 27 Billion Peso Comprehensive Automotive Resurgence Strategy Program.
Maaari naman anyang isunod na lamang ang support program para sa mga local assembler sa P.U.V. Modernization program habang ang replacement ng mga lumang P.U.V. ay maaari ng magsimula lalo’t target ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilarga ang naturang programa sa Enero.
Dagdag ni pa ni Lopez, maaaring kumuha ang mga jeepney operator ng mga order mula sa mga local manufacturers o bumili ng isang buong unit ng modern PUV habang hinihintay ang support program ng D.T.I. para sa mga local assembler.