Iminungkahi ni Senador Chiz Escudero ang paglikha ng inter-agency body na tutugon sa epekto ng El Niño.
Ayon kay Escudero, ngayon pa lamang ay nakararanas na ang mga residente ng water shortage.
Mahalaga aniya ang tubig sa ating pang-araw-araw na buhay kaya’t hindi dapat hayaan na ang pamumuhay at negosyo ng ating kababayan ay maaapektuhan.
Binigyang-diin ng senador na ang lilikhaing inter-agency body ay dapat magprisinta ng contingency measure kung paano maiibsan ang nararanasang water shortage.
Sa panukala ni Escudero, ang bubuuing inter-agency body ay dapat kabibilangan ng kinatawan mula sa National Irrigation administration o NIA, National Water Resources Board o NWRB, Department of Agriculture, Department of Energy, DENR, PAGASA, Climate Change Commission, Private Water Concessionares at iba pang mga eksperto.
By Meann Tanbio | Cely Bueno (Patrol 19)