Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglikha ng isang inter-agency task force na maglalatag ng mga polisiya upang tuluyang masugpo ang kagutuman hanggang sa taong 2030.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, sa pamamagitan ng pag-issue ng isang executive order, inaprubahan ni Pangulong Duterte ang paglikha sa zero hunger inter-agency task force.
Batay anya sa datos, 2.4 milyong pamilya ang nakaranas ng bahagya hanggang matinding gutom noong 2018; 13.7 milyong bata naman ang undernourished kabilang ang 2.7 milyong batang hanggang edad lima na underweight.
Babalangkas ang task force ng isang national food policy upang matiyak na makakamit ang zero hunger at poverty alinsunod sa 2017-2022 Philippine development plan.
—-