Nilinaw ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang paglikha ng mas maraming trabaho ang nagtulak para mapasama ang Pilipinas sa listahan ng “VIP Club” o mga bansa sa Southeast Asia na may mahusay na pagpapatakbo sa ekonomiya.
Ayon kay PBBM, nagkaroon ng magandang performance ang bansa hindi lang dahil sa nakitang paglago ng inflation kundi pati na rin sa pagbaba ng unemployment rate.
Ipinagmalaki din ni Pangulong Marcos, na bumaba na sa 4.2% ang growth rate ng COVID-19 kumpara noong bago pa magpandemiya na nasa 7.1%.
Iginiit pa ng pangulo na ang pagsusumikap din ng pamahalaan na makalikha ng mas marami pang trabaho ang isa rin sa mga dahilan kaya kinukonsidera ang bansa na maging bahagi ng “VIP Club” na binubuo ng Vietnam, Indonesia, at Pilipinas.
Nabatid na umabot na sa halos 2-M jobs ang nalikha sa bansa mula noong 2020 hanggang sa kasalukuyan.